PCCBI

Chamber of Customs Brokers Inc.

PCCBI naninindigan na lalaban para ma-amyendahan ang R.A 10863

Grupo ng Philippine Chamber of Customs Brokers Inc. (PCCBI) naninindigan na ilalaban nila para tuluyan ng ma-amiyendahan ang “Customs Modernization and Tariff Act”

NANININDIGAN ang National President ng Philippine Chamber of Customs Broker Inc. (PCCBI) na si Anthony “Doc Tony” A. Cristobal na ilalaban nila para tuluyan ng ma-amiyendahan ang Republic Act No. 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act of 2016” dahil sa ilalim ng nasabing batas sinasaklawan ng isang “Attorney-In-Fact” ang trabaho ng isang lisensiyadong “customs Broker”.

Sa exklosibong panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Cristobal na dumudulog sila kay Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development at lisensiyadong Customs Broker, upang tulungan ang PCCBI na tuluyang mawala ang probisyon ng batas sa pamamagitan ng legislative amendments patungkol sa pagtatalaga sa isang “Atty-In-Fact”.

 

Nabatid kay Cristobal na sa pagbabalik ng session sa Kamara de Representantes, inaasahan na magbibigay ng privilege speech si Valeriano upang ilahad ang sentimyento ng kanilang grupo patungkol sa pagtatalaga sa isang “Attorney-In-Fact” na lantarang sumasaklaw sa trabaho ng isang Licensed Customs Broker.
 

Inilahad din ni Cristobal na noong 2004 ay nilikha at isinabatas ang “Customs Brokers Act” sa ilalim ng Republic Act No. 9280. Kung saan, tanging ang mga lisensiyadong brokers lamang ang may karapatang pumirma para sa mga pumapasok na imports declaration na dumadaan naman sa Bureau of Customs (BOC). Subalit ito’y inamiyendahan noong 2016.

Subscribe to the MyCCBI365 newsletter


Ayon kay Cristobal, noong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay inamiyendahan ang batas kung saan pinapayagan ng pumira sa mga dokumento kahit walang presensiya ng licensed broker.
 
Sinabi naman ni Professional Regulatory Board for Customs Brokers Chairperson Samuel “Sam” C. Bautista na ang isa sa mga napagkasunduan ng CCBI ay ang pagsusulong para magkaroon ng legislative amendments kaugnay sa mga komplikado at hindi malinaw na detalye ng batas. Binigyang diin ni Bautista na ang talagang ilalaban o isusulong nila ay matanggal sa probisyon ng 2016 amendments ang pagtatalaga sa isang “Attorney-In-Fact” kung na isang lisensiya at nag-aral na customs Broker.
 
“Ang isa sa napagkasunduan ng PCCBI ay iyong isulong talaga ang legislative amendments duon sa mga conflicting at hindi malinaw na detalye. Unang una iyong nakasulat na Attorney-In-Fact. Kasi ang gusto natin ay mabigyan ng proper classification at qualification ano ba yung Attorney-In-Fact para sa isang lisensiyadong Broker?” paliwanag ni Bautista.

Source: People’s Taliba

   Editor: Rod Villanueva

Share Article