Grupo ng Philippine Chamber of Customs Brokers Inc. (PCCBI) naninindigan na ilalaban nila para tuluyan ng ma-amiyendahan ang “Customs Modernization and Tariff Act”
NANININDIGAN ang National President ng Philippine Chamber of Customs Broker Inc. (PCCBI) na si Anthony “Doc Tony” A. Cristobal na ilalaban nila para tuluyan ng ma-amiyendahan ang Republic Act No. 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act of 2016” dahil sa ilalim ng nasabing batas sinasaklawan ng isang “Attorney-In-Fact” ang trabaho ng isang lisensiyadong “customs Broker”.
Sa exklosibong panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Cristobal na dumudulog sila kay Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development at lisensiyadong Customs Broker, upang tulungan ang PCCBI na tuluyang mawala ang probisyon ng batas sa pamamagitan ng legislative amendments patungkol sa pagtatalaga sa isang “Atty-In-Fact”.
Inilahad din ni Cristobal na noong 2004 ay nilikha at isinabatas ang “Customs Brokers Act” sa ilalim ng Republic Act No. 9280. Kung saan, tanging ang mga lisensiyadong brokers lamang ang may karapatang pumirma para sa mga pumapasok na imports declaration na dumadaan naman sa Bureau of Customs (BOC). Subalit ito’y inamiyendahan noong 2016.
Subscribe to the MyCCBI365 newsletter
Source: People’s Taliba